Kapag huminto ka sa paninigarilyo
Ang katawan mo ay kailangan maayos agad pagkatapos mong huminto sa paninigarilyo. Ayon sa pag-aaral ang pintig ng puso ay bumababa sa loob ng 20 minuto pagkatapos mong maubos ang huling stick ng sigarilyo na iyong sinindihan, at ang iyong baga ay nagsisimula ng gumana ng maayos pagkatapos ng tatlong buwan na paghinto sa paninigarilyo. Kapag ikaw ay nanatiling hindi naninigarilyo sa loob ng sampung taon, ang panganib ng lung cancer na dulot ng paninigarilyo ay kalahati kesa sa patuloy na naninigarilyo. Kapag ang iyong baga ay sumasailalim sa proseso ng pagsasaayos ay kailangan mong kumain ng masusustansiyang pagkain.
Flavonoids - Ayon sa pag-aaral ang mga pagkain na mayaman sa flavonoids catachen, quercetin at kaempferol ay mayroong antioxidant at anti-inflamatory na katangian na makakatulong sa baga ng mga taong naninigarilyo at huminto na sa paninigarilyo. Ang flavonoids ay plant pigment na pumoprotekta laban sa lung cancer na pumipigil sa paglaki at pagdami ng cancer cells at lumalaban sa pinsala sa DNA na dulot ng paninigarilyo. Ang mga pagkain na may catachens katulad ng strawberries, green tea, at black tea at sa mga pagkain naman na matatagpuan ang kaempferols ay ang brussel sprouts at mansanas. Quercetin ay matatagpuan sa mga pagkain katulad ng beans, sibuyas at mansanas.
Iba’t ibang klase ng prutas at pagkain
Ayon sa pag-aaral ng mga dalubhasa ang pagkunsumo ng ibat’ ibang klase ng gulay ay nakakababa ng panganib ng lung cancer sa mga taong naninigarilyo. Ang pag-aaral ay gumamit ng “diet diversity scores” para masukat, iba’t ibang klase ng mga prutas at gulay na kinain ng 452,187 na sumali sa pag-aaral. Natuklasan ng mga dalubhasa na ang hiwalay na dami ng prutas at gulay na kumunsumo at sari-saring prutas at gulay na kumunsumo ay nakitang lumiit ang panganib ng lung cancer.
- Latest