^

Para Malibang

‘Gold digger’ ang gf

IDAING MO KAY VANEZZA - Pang-masa

Dear Vanezza,

Isa na akong biyudo. Namatay ang misis ko tatlong taon na ang nakakaraan dahil sa cervical cancer. Nagkaroon ako ng girlfriend pero hindi ito nagtagal. May pagka-ambisyosa kasi ang grilfriend ko kaya nakipag-live-in sa isang matandang mayaman. Sabi niya sa akin, pabayaan ko na siya dahil pera lang ang hangad niya sa lalaki. Masama ang loob ko pero mahal na mahal ko ang babaeng ito sa kabila ng lahat. Sabi niya mahal din niya ako pero gusto raw niyang makaahon sa hirap kaya kailangan niyang gawin iyon. Hindi nagtagal ay namatay din ang matandang kinakasama niya. Pinamanahan siya ng matanda ng bahay at negosyo. Nakikipagbalikan ngayon ang gf ko sa akin. Sabi niya ako ang totoo niyang mahal. Mahal ko pa rin siya kaya lang parang masagwa tingnan dahil lilitaw na para kaming nagsabwatan upang makamkam ang kayamanan ng matanda. Nagdadalawang-isip ako kung makikipagbalikan ako o hindi. Ano ba ang mabuti kong gawin? - Jose

Dear Jose,

Pag-aralan mong mabuti ang iyong damdamin. Walang masamang maghangad ng karangyaan pero ito’y dapat matamo sa paraang marangal at hindi “kinakalakal” ang sarili. Batay sa mga pangyayari, mukhang mas mahal pa ng iyong gf ang kayamanan kaysa sa iyo. Sa pag-ibig, dapat maging prayoridad ang taong minamahal at ang iba’y secondary lamang. Kung pipili ka ng asawa, kailangang siya’y babaeng hindi kayang masilaw ng salapi. Makakatagpo ka pa ng higit sa kanya.

Sumasaiyo,

Vanezza

ANO

BATAY

DEAR JOSE

DEAR VANEZZA

ISA

MAHAL

MAKAKATAGPO

MASAMA

NAGDADALAWANG

SABI

  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with