‘Erectile Dysfunction Treatments’ (1)
Dumadating talaga sa puntong ang mga lalaki ay nagkakaroon ng Erectile Dysfunction (ED). Ito ang problema sa pagkakaroon ng erection o pagpapanatili ng erection ng penis.
Minsan ay nakukuha rin sa lifestyle ang problemang ito. Puwedeng ang dahilan ng ED ay sobrang pag-inom, paninigarilyo, stress, mga iniinom na gamot, kapag galit, kapag ‘di mapakali o balisa, kapag may edad na, kawalan ng kumpiyansa sa sarili, mababang libido o may problema sa kalusugan. Maaaring ang solusyon ay pagbabago lamang ng lifestyle.
Ngunit ang pinakasikat na solusyon sa ED ay ang Viagra. Pero hindi dapat basta-basta umiinom ng Viagra at kung anu-ano pang gamot sa ED na narinig lang kung kani-kanino. Mas mabuting kumunsulta sa pinagkakatiwalaang doctor para malaman ang tunay na dahilan ng inyong kondisyon at para mabigyan ng nararapat na treatment.
Narito ang iba’t ibang treatment ayon sa health.com
1. Pills – Nilalabanan ng Viagra, Cialis (tadalafil), at Levitra (vardenafil) ang erectile dysfunction sa pamamagitan ng pagpapa-relax ng smooth muscle sa penis, isang proseso na nagpapataas ng blood flow para magkaroon ng erection. (Itutuloy)
- Latest