Alam n’yo ba?
Alam n’yo ba na si Charles Goodyear ang unang kanluranin na nakadiskubre ng “vulcanization” noong 1839? Ito ang isa sa mga proseso sa paggawa ng rubber ball o bolang gawa sa goma. Pero, sa totoo lang noong 1,600 B.C., ay uso na rin ang rubber ball sa mga Mesoamericans at pinaniniwalaang sila ang unang polymer scientist dahil kaya nilang ihalo ang rubber compound para makagawa ng iba pang gamit o laruan. Noong unang panahon, ginagamit bilang pera ang asin, tsaa, tabako, hayop at mga butong gulay para ipamalit sa anumang nais mabili. Tinatawag nila itong commodity money. Kaya lang, nang lumaon ay hirap na rin ang mga taong gawing pamalit ang mga commodity money na ito dahil sa sobrang bigat gaya ng asin, kaya naman naisipan ng mga tao na lumikha ng perang coin.
- Latest