^

Para Malibang

Ayaw ng ‘pre-marital sex’

IDAING MO KAY VANEZZA - Pang-masa

Dear Vanezza,

Dalawa na po ang naging bf ko sa edad kong 25. Ang nakakalungkot lang, ako ang kinakalasan ng mga naging karelasyon ko. Hindi ko maintindihan kung bakit. Ang una kong bf, ang inayawan sa akin, masyado raw akong pakipot kaya naghanap siya ng iba na higit daw na nakakaunawa sa kanyang “passion”. Ang ikalawa, wala raw akong tiwala sa kanya. Isa raw akong “frigid” at hindi ko matugunan ang init ng kanyang pagmamahal. Hindi ako “frigid”. Ang alam ko lang, pinangangalagaan ko ang aking sarili at hindi dapat padala sa kapusukan. Para sa akin, kasal muna bago honeymoon. Ito ang mahigpit na bilin ng nanay ko at lola sa akin. Tawagin na nila akong frigid at makaluma, basta tutol ako sa pre-marital sex. - Pia

Dear Pia,

Nakakabilib ang matibay mong paniniwala sa iyong prinsipyo at pagrespeto sa sarili. Bagaman moderno na ang kaisipan ngayon ng mga kabataan, ang paniniwala mong ito ay hindi maituturing na sinauna dahil iniingatan mo ang puri na siyang  nais mong ihandog sa yong mapapangasawa. Mapalad ang binatang iibigin mo at makakatupad sa iyong sinusunod na prinsipyo. Keep it up at hindi ka malilihis sa landas na tinatahak mo sa buhay.

Sumasaiyo,

Vanezza

BAGAMAN

DALAWA

DEAR PIA

DEAR VANEZZA

ISA

MAPALAD

  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with