‘Gout’ (1)
Ang gout ay isang uri ng rayuma. Nangyayari ito kapag ang uric acid ay nabuo sa dugo at nagdudulot ng pamamaga ng kasukasuan. Ang uric acid ay produkto ng purines na makikita sa maraming pagkain at inumin tulad ng atay, bagoong, mackerel, dried beans, gisantes, serbesa at alak. Ang gout ay karaniwan para sa mga lalaking may edad na 40 - 50.
Ang acute gout ay masakit na kondisyon na karaniwang nakakaapekto sa isang kasukasuan. Ang chronic gout ay ang paulit-ulit na pananakit at pamamaga sa isa o higit pang mga kasukasuan.
Karaniwan, ang uric acid ay kayang mawala sa dugo na ipinapasa sa pamamagitan ng bato sa loob ng ihi. Ngunit ang katawan ay gumagawa ng labis-labis na uric acid o kung minsa’y sobrang kaunti ang uric acid na inilalabas ng bato. Kapag nangyari ito, maaaring mabuo ang matulis at tila karayom na urate crystalis sa kasukasuan na sanhi ng sakit, pamamaga at pamumula nito. Gayunpaman, ang eksaktong dahilan ng pagkakaroon ng gout ay hindi pa alam. Ang acute gout ay bigla-biglang nangyayari na malimit ay sa gabi at walang babala. Kabilang sa mga palatandaan at sintomas ay:
1. Matinding pananakit ng kasukasuan sa loob ng unang 12 hanggang 24 oras pagkatapos na ito ay magsimula. Ang sintomas ay karaniwang nararamdaman o nararanasan ng isa o ilang mga kasukasuan, kabilang ang malaking daliri sa paa (hallux), bukong-bukong, tuhod, kamay at galanggalangan (wrist);
2. Biglaang pananakit na madalas ay inilalarawan bilang mabilis o malakas na pagtibok , pagdurog o masakit na masakit na pakiramdam;
3. Ang kasukasuan ay lumilitaw na maiinit at mapula at karaniwang malambot;
4. Ang pag-atake ay maaaring mawala pagkatapos ng ilang araw ngunit maaari ring magbalik kung minsan;
5) Maaaring magkaroon ng lagnat.
Mas malaki ang tsansa na mabuo ang gout kung may mataas na antas ng uric acid sa katawan. Ilan sa mga dahilan ng pagtaas ng uric acid ay ang:
1. Mga babaeng katatapos lang mag-menopause;
2. Mga umiinom ng alak o labis na pag-inom ng alak. (Itutuloy)
- Latest