Alam n’yo ba?
Alam n’yo ba na 70% ng mga kababaihan ay nakakaranas ng 3, 500 araw ng menstruation sa buong buhay nila? Gumawa ang Walt Disney ng pelikula noong 1946 tungkol sa menstruation ng mga babae at may title ito na “The Story of Menstruation”. Dito rin unang nadinig at ginamit ang salitang “vagina”. Sa Hong Kong, isang Indonesian na katulong ang naghalo ng kanyang menstrual blood sa pagkain ng kanyang amo, umaasa siyang magpapatibay ito ng kanilang magandang relasyon. Ang paninigarilyo ay nakakapagpatay ng eggs ng mga babae kaya naman kaya rin nitong pahintuin agad ang menstruation ng babae, in short, maaga kang magme-menopause. Maraming prostitutes ang hindi iniintindi ang kanilang menstruation, para hindi mahinto sa paghahanap-buhay, kailangan nilang magpasok ng cotton balls o bulak sa kanilang cervix o kaya ay kailangan nilang uminom ng pills para agad na huminto ang kanilang mens’. Mas masakit ang pakiramdam ng babaeng mayroong mens’ kapag ito ay dumarating sa malamig na panahon. (mula sa www.randomhistory.com)
- Latest