Pagkaing pampabata Last Part
3. Cruciferous vegetables: Ang pamilya ng mga pakrus na gulay ay ang repolyo, cauliflower, broccoli, kale, turnip, singkamas, Brussel sprouts, labanos, watercress, bok choy, rutabaga at wasabi. Ang mga gulay na ito ay mayroong bitamina, mineral at iba pang nutrients at kemikal na glucosinolites. Ang kemikal na ito na matatagpuan sa mga gulay na ito at nag-aalis ng ilang biological active compound na nagiging sanhi ng kanser. Ito ay tumutulong sa katawan natin na labanan ang toxins at kanser. Puwede ring kainin ito ng hilaw o di-gaanong luto upang sa gayon ay mapanatili ang mahahalagang enzymes mula sa gulay na ito.
4. Pasta and rice: Ang pagkain nito ay maaa-ring makakuha ng Complex carbohydrates na nagbibigay ng sapat na supply ng enerhiya sa buong araw upang maging malakas ang pangangatawan ng buong araw. Samantala ang Wholemeal pasta ay isang mahusay na mapagkukunan ng complex carbohydrate. Mayaman din ito sa fiber upang maiwasan ang constipation. Samantala, ang Brown rice ay isa pang inirerekumendang pagkunan ng complex carbohydrate dahil sa taglay nitong Fiber at B Vitamins.
5. Soya: Mayaman ang soya sa protina kumpara sa ibang mga legumes at ang protina nito ay katumbas ng karne at gatas. Ang lebel ng amino acids nito ay mataas din kaya mainam itong pamalit sa karne at gatas kung gustong makamit ang sapat at tamang protina. Mayaman din ito sa mga micro nutrients katulad ng calcium, iron at ito ay nakukuha sa fermented soyfoods katulad ng tempeh at miso. Maaaring makatulong ito upang maprotektahan tayo laban sa alzheimer, osteoporosis at atake sa puso dulot ng katandaan. Kaya dapat na kumain ng mga pagkain na mula sa soya upang makaiwas sa mga sakit na nakukuha dulot ng katandaan.
- Latest