^

Para Malibang

Benepisyo ng luha

Pang-masa

May mga pagkakataon na masyadong mababa ang iyong emosyon at dumarating ka sa panahon na nais mong umiyak at mapag-isa. May mga tao naman na  halos ayaw patuluin ang luha mula sa kanyang mga mata dahil marahil sa iba, ang pag-iyak ay tanda ng kahinaan at pagsuko. Pero sa totoo lang, maraming hindi nakakaalam na maraming makukuhang benepisyo sa pag-iyak  gaya ng mga sumusunod:

Mas lilinaw ang iyong  mga mata – Literal na pinalilinaw ng luha ang iyong mga mata dahil nililinis nito ang iyong eyeballs at eyelids at ang panunuyo ng mga ugat sa iyong mata.

Pumapatay ng bacteria – Hindi mo na kailangan pa ng antibacterial eye drop, dahil mismong ang luhang lumalabas sa iyong mga bata ang mag-aalis ng bacteria dito. Nilalabanan din ng luha ang mga bacteria na nakukuha ng mata mula sa computers, pera at iba pang mga bagay na pinagmumulan ng germs patungo sa iyong mga mata. Nagtataglay kasi ng lysozyme ang luha kaya 90-95% ay napapatay nito ang germs sa bata sa loob lang  ng 5-10 minuto.

Nag-aalis ng toxins – Ayon sa pag-aaral ng Biochemist na si William Frey, ang luha bunsod ng depresyon at pagdadalamhati  ay nagtatag-lay ng maraming toxic kumpara sa iyak na ang dahilan lang ay ang pagkairita gaya ng pagbabalat ng sibuyas. Kaya naman nagsisilbing natural therapy ang pag-iyak.

Nagpapagaan ng pakiramdam – Ang pagka-expose masyado sa manganese  ay nagdudulot ng hindi magandang pakiramdam sa tao kaya naman nagreresulta ito ng pagkabalisa, pagkakaroon ng nerbiyos, irritable, fatigue at iba pang emotional disturbance. Pero, may solusyon na rito, umiyak ka lang at tiyak na bababa ang manganese level mo  at gaganda ang iyong pakiramdam kahit ano pa ang naging pinagdaanan mo. (mula sa www.beliefnet.com)

AYON

IYONG

KAYA

MATA

NAGPAPAGAAN

PERO

WILLIAM FREY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with