Pagkaing pampabata (1)
Gusto mo bang magmukhang bata sa tunay mong edad o mapahaba ang iyong buhay gayong ikaw ay malapit na sa dapit hapon ng iyong buhay? Ngunit paano mo ito makakamtam? Anu-ano ang dapat mong gawin upang magmukhang bata? May mga tao na idinadaan sa tamang pagkain upang mapanatili ang masbatang kaanyuan sa tunay nilang edad o mapahaba pa ang iyong idad. Naririto ang ilan sa natural at masusustansyang pagkain upang mapanatili ang batang kaanyuan.
1. Abukado: ang prutas na ito, ay karaniwang kinakain bilang isang gulay, isang magandang source ng monounsaturated fat na maaaring makatulong upang mabawasan ang antas ng “bad” kolesterol sa katawan. Ang Abukado ay mayaman sa Vitamin E at maaaring makatulong upang mapanatili ang malusog na balat at maiwasan ang maagang pangungulobot ng balat (bitamina E ay maaari ring makatulong sa pagpapakalma ng tinatawag na menopausal hot flushes). Ito ay mayaman sa potassium na nakakatulong na maiwasan ang fluid retention at mataas na presyon ng dugo.
2. Ginger: (Luya) ang maanghang na ugat na ito ay maaaring magpalakas ng pagtunaw at circulatory systems, na maaaring maging kapaki-pa-kinabang para sa mga may edad. Ito rin ay ginagamit upang ibsan ang pamamaga ng mga kalamnan o anti-inflamatory. May natural na anti-oxidant ang luya namaaaring magpanatili ng magandang balat.
- Latest