^

Para Malibang

Ang babaing kinakain ang lahat (18)

TALES FROM THE OTHER SIDE - Pang-masa

KAUSAP na nga ni Tatiana ang ama na taga-ibang planeta. Iba ang lengguwahe ng babaing kinakain ang lahat. Abuzzi-bizzu-carasuzzu...

Nagkakatinginan ang mag-asawang Almario at Sofia. Wala silang ideya kung ano na ang pinag-uusapan ng mag-amang hindi tagalupa.      

 Ziburachi-queppiassi-mollaquizzi..

Napapalunok si Almario, dinig niya’y may halong kabastusan ang mga huling sinabi ni Tatiana.

“Parang mga kabahagi ng babae at lalaki, di ba, Sofia?”

 “Hindi, Almario. Malisyoso ka lang”.

 Halos isang oras din bago natapos ang pakikipag-usap ni Tatiana sa ama niya. Kayhirap basahin ang damdamin ng dalagang madalas magutom.

“Well...?”

 “Ano ang napag-usapan n’yo, Tatiana?” magkasunod na tanong ng mag-asawang tagalupa.

  “Hindi pa raw panahon na ako’y magbalik sa kaharian ni Garnuk na aking ama. Mananatili pa ako sa inyong mundo nang mahaba-haba”.

Nakahinga nang maluwag si Sofia. Bilang ina ni Tatiana, ayaw nga niyang mawalay ang nag-iisang anak.

“Ako na pala ang magiging private tutor mo, hija. Teacher ako”.

 “Hindi ko na po kailangang magpaturo sa inyo, Mommy. Lahat ng stock knowledge ninyo, mula sa elementary hanggang sa pinakamataas na level ay nasa utak ko na.”  “G-Ganu’n?”

 “Opo, Mommy, ganu’n kami ka-advance sa edukasyon”.

 Si Almario ay naliligalig. Ano ba ang agenda ni Tatiana at ng mga kalahi nito?  “Maghahasik ka ba ng lagim at kaguluhan?” tuwid na tanong ni Almario kay Tatiana.  

Makahulugang ngisi ang sagot ng dalagang alien. Kinilabutan na naman si Almario, sagad sa buto ang takot sa dalagang kinakain ang lahat.

 Si Sofia ay ninenerbiyos, damang may gaga­wing hindi mabuti si Tatiana.

Meron nga. Biglang sinunggaban ni Tatiana ang Holy Bible sa altar. (ITUTULOY)

ABUZZI

ALMARIO

ANO

BIGLANG

HOLY BIBLE

SI ALMARIO

SI SOFIA

TATIANA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with