^

Para Malibang

Ang babaing kinakain ang lahat (15)

TALES FROM THE OTHER SIDE - Pang-masa

TAMA ang tantiya ng  mag-asawang Almario at Sofia. Hustong ika-isambuwan mula isilang, si Tatiana ay kasing-laki na ng isang dalaga—maganda, matangkad—halos six-footer.

Matangkad pa nga ito kina Sofia at Almario.

Ewan kung paano na-survive ng mag-asawa ang nagdaang apat na linggo.

Pinakamarkado sa kanilang alaala ang pagkain ni Tatiana ng isang buong kotse sa parking lot. Literal na inubos ni Tatiana ang kotseng top-down!

Meron palang nalabi sa topdown. Ang spare tire. Naiwan ito sa dating kinaroroonan ng kotse.

Natawag yata noon nina Sofia at Almario ang lahat ng santo at santa sa Kaitaasan. Yanig na yanig na naman ang mag-asawa.

Isang munting himala na walang ibang tao noon sa parking lot, walang nakasaksi sa ginawang perhuwisyo ni Tatiana.

Burrp. Dumighay si Tatiana, na ibig sabihi’y nabusog nang husto.

Hinila na agad ni Sofia sa kotse nila si Tatiana. Si Almario ay napasunod, litung-lito rin.

Saglit pa’y nakalabas na sila ng parking area. Mabilis na silang lumayo doon. BRUUUMM.

Umiiyak si Tatiana habang lulan ng kotse. “Kawawa naman po ang may-ari ng kotseng kinain ko, Mommy.”

“Bakit mo ba ginawa ‘yon? Alam mo naman palang mali, Tatiana, anak...”

Nakahanda ang sagot ng babaing taga-ibang planeta. “Iyon po ang utos ng aking ama”. Napaigtad si Sofia. Si Almario ay nakasahod ang tenga.

“Inutusan ka ng Daddy Almario mo?”

 “Hindi ko po ama ang inyong asawa, Mommy”.

Nakahinga nang maluwag si Almario.  “Mabuti naman, Tatiana, alam mo palang I am NOT your father!”

“Stop it, Almario”, saway ni Sofia.

“Tatiana, anak...s-sino ba ang iyong ama?” Nais mabatid ni Sofia ang

Tumingala sa labas ng bintana ng kotse si Tatiana. Tumuro sa langit. “Nandu’n  po!”  (ITUTULOY)

ALAM

ALMARIO

BAKIT

BURRP

DADDY ALMARIO

DUMIGHAY

SI ALMARIO

SOFIA

TATIANA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with