Maging ‘I Am Ready’ (1)
Samu’t sari ang mga kalamidad ang nangyayari sa ating bansa, mahalaga na dapat lagi tayong handa sa lahat ng oras. Isa rito ay paghahanda sa mga pangangailangan ng bawat miyembro ng ating pamilya gaya ng suplay sa ating tahanan na madaling bitbitin. Narito ang ilan sa mga suplay kailangang mayroon tayo sa panahon ng kalamidad:
• Tubig—Isang galong tubig kada tao at kada araw sa loob ng isang linggo
• Pagkain—Dapat hindi madaling mabulok, madaling lutuin at madaling ihanda
• Flashlight
• Baterya (Extra baterya)
• First aid kit
• Gamot (para sa pitong araw na suplay) at medical items
• Multi-purpose tool
• Sanitation at personal hygiene items gaya ng sipilyo, sabon, at tuwalya.
• Kopya ng personal na dokumento (Listahan ng mga gamot na iniinom, medical information, proof of address, pasaporte, birth certificates, insurance policies)
• Cell phone na may kasamang chargers
• Family at emergency contact information
• Extra cash
• Emergency blanket
• Mapa ng lugar Listahan ng mga suplay na kailangan ng bawat meyembro ng pamilya na dapat ikonsidera:
• Medical supplies (hearing aids na may extra baterya, glasses, contact lenses, heringgilya, etc)
- Latest