Kalabasa (1)
Alam natin na ang kalabasa ay pampalinaw ng mata ngunit ano pa ba ang hindi natin alam sa kalabasa? Ang kalabasa ay prutas na kabilang sa pamilya ng gourd. Mayaman ang prutas na ito sa bitamina at mineral katulad ng A at C. Mayroon din itong bitamina B1, B2, B3 at B6. Sa mga mineral naman ay nagtataglay ito ng potassium, magnesium, copper at phosphorous. Maaaring makakuha rin sa prutas na ito ng fiber na kailangan ng ating katawan.
Naririto ang ilan sa mga benepisyo na ating makukuha sa kalabasa:
Mababa sa Calories - Ang isang tasa ng kalabasa ay mayroong 36 calories, 7 gramo ng carbohydrates, mababa sa isang gramo ng fat, at isang gramo ng protina. Ito rin ay cholesterol-free. Ang konting calories nito ay nanggagaling sa carbohydrate na karaniwang mababa. Kapag gusto mong bumaba ang iyong timbang ang mahusay na kainin ay kalabasa kumpara sa mas mataas na ma-calories na pagkain katulad ng patatas at mais.
Mayaman sa Bitamina - Mainam na pinanggagalingan ng bitamina C, magnesium, bitamina A (na may concentration ng carotenoids katulad ng beta-carotene), fiber, folate, copper, riboflavin at phosphorus.
Mayaman ang prutas na ito sa potassium na mayroong 345.60 milligrams per serving. Ang potassium ay susi sa electrolyte para mabalanse ang fluids at magbigay na tamang lakas sa ating muscle.
Proteksyon laban sa cancer - Napakayaman nito sa antioxidants na tumutulong para maiwasan ang mga free radical. Dahil sa beta-carotene content nito ay kayang proteksyunan tayo ng prutas na ito laban sa pollutants at kemikal na maaaring magdulot ng cancer. Mayaman din ito sa bitamina C, na makakatulong sa magandang balat at pag-iwas sa cancer.
- Latest