^

Para Malibang

‘Di pwedeng ituwid ang mali ng isa pang mali

IDAING MO KAY VANEZZA - Pang-masa

Dear Vanezza,

Itago mo na lang ako sa pangalang Missy. After 10 years of marriage ay naghiwalay kaming mag-asawa. May 2 kaming anak. Nalaman ko na may babae siya sa ibang bansa. Para makalimot at maka-move on, pumatol ako sa iba. Sabi ko, kung kaya niyang mambabae kaya ko ring manlalaki. But my problem is, he’s married with 2 kids. Masaya naman kami pero nandun pa rin young feeling of incomplete. May fear din na baka malaman ng misis niya. Mailap siya pag lumalabas kami dahil baka may makakita sa amin na kakilala niya. Ask ko lang, may pag-asa pa bang magkabalikan kami ng asawa ko? May feelers kasi na gusto niya akong balikan dahil sumama rin sa ibang lalaki ang babae niya. Ano ang gagawin ko?

Dear Missy,

Ang pag-asang magkabalikan ay laging naririyan. Pero ang naghahangad na mangyari ito ay dapat gumawa ng hakbang. Sa kaso mo dahil sa kataksilan ng mister mo ay ipinasya mong maging taksil din. Mali. Unang-una, pamilyado ring tao ang sinamahan mo at mayroong nagdurusa dahil sa inyong relasyon. Sabi nga ng kasabihan, hindi puwedeng ituwid ang pagkakamali ng isa pang pagkakamali. Para sa kapanatagan ng iyong isip, mabuting hiwalayan mo na ang bf mo. Kung mahal mo pa ang asawa mo, give your marriage a second chance at sikaping mabuong muli ang inyong pagsasama alang-alang sa inyong anak.

Sumasaiyo,

Vanezza

 

ANO

DEAR MISSY

DEAR VANEZZA

ITAGO

MAILAP

MASAYA

NALAMAN

PERO

SABI

SUMASAIYO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with