^

Para Malibang

Para maibalik ang dating ‘init’ Last part

MAINGAT KA BA!? - Miss S - Pang-masa

Sa ganitong paraan, nagkakaroon kayo ng tsansang maging sweet uli sa isa’t isa bukod pa sa pagkakataong mag-bonding na magpapatibay ng inyong samahan. At siyempre, saan pa ba patutungo ito kungdi sa ‘kama.”

Birth control pill - Ang pagbabago ng iyong hormones ay may malaking epekto sa iyong sex drive. Kung umiinom ng birth control pills, malaki ang posibilidad na ito ang dahilan kung bakit ‘nawawalan ng gana.’ Malaki ang epekto ng birth control pills sa pagbabago ng hormones. Pinapababa nito ang produksiyon ng testosterone at dahil dito, bumababa ang iyong sexual desire.

May ibang uri pa ng pills na nagiging dahilan para makaramdam ng sakit kapag nakikipag-sex. Ang prolactine, ang nursing hormone, ay nagpapababa ng estrogen at testosterone sa mga babaeng nagbi-breastfeed na malaki ang epekto sa hormones. Ang  pagmi- menopause ay nagpapababa rin ng testosterone at estradiol, isang uri ng estrogen.

Subukang gumamit ng ibang birth control method. Maraming method na mapagpipilian. Isangguni ito sa inyong pinagkakatiwalaang doctor.

Mga gamot - May iniinom ka bang mga gamot para sa iyong sakit o mga maintenance? Suriin ang mga ito dahil posibleng ito ang dahilan ng pagbaba ng iyong libido,. Bukod sa birth control pills, may mga gamot na nagpapababa ng sex drive tulad ng gamot sa high blood pressure, gastroesophageal reflux disease (GERD), anxiety at depression.  Isangguni sa inyong pinagkakatiwalaang doctor ang inyong concern para mabigyan ng ibang gamot o mapayuhan ng ibang paraan ng treatment na wala gaanong side effect sa inyong sex drive.

BUKOD

HEALTH

ISANGGUNI

MALAKI

MARAMING

PINAPABABA

SUBUKANG

SURIIN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with