Para pumasa ka sa interview
Minsan may mga taong nahihirapan magkaroon ng trabaho. Tuloy karaniwang naiisip ng mga taong bumabagsak sa interview pa lang ay mali ang kanilang sagot o di kaya ay may nasabi silang hindi nagustuhan ng interviewer. Paano nga ba pumasa sa isang interview para magkaroon ng trabaho? Narito ang ilang bagay na dapat bigyan ng pansin kapag mag-a-apply sa trabaho:
Pagpili ng kulay ng damit – May mga pag-aaral na lumalabas na ang kulay ng damit na isinusuot natin ay nagbibigay ng pangit o magandang mood. Halimbawa, kapag nagsuot ka ng kulay pula sa iyong interview, nagpapakita ito ng kumpiyansa at mas magandang personalidad. Maaari ka rin mag-invest ng mga black slacks na magpapakita ng magandang hubog ng iyong katawan.
Neutral color – Bagama’t nagpapahayag ng magandang mood ang iba’t ibang uri ng kulay, ang pagsusuot naman ng mga neutral color ay may bentahe rin naman, lalo na’t nais mong maalala ka ng iyong interviewer sa ipinakita mong galing at hindi sa damit na iyong isinuot. Ang kulay brown at blue naman ay nagpapahayag ng pagiging kalmado at talino habang ang kulay gray ay nagpapakita ng pagiging sopistikada.
Pagiging malinis – Ang uri ng sapatos na iyong isinusuot ay maaaring maging “make” or “break” ng kabuuan ng iyong suot. Mawawalan kasi ng kabuluhan ang ganda ng iyong kasuotan kung ang sapatos mo ay madumi at tila gutay-gutay na. Kaya tiyakin mong malinis ang sapatos na iyong isusuot kapag mag-a-apply ng trabaho.
- Latest