Mahina ang dating ng mga lalaki sa babaeng nagpi-pills
Hindi ganoon kalakas ang dating ng mga lalaki sa babaeng nagpi-pills. Nakita sa isang research na kapag ang mga babae ay nagte-take ng pills, hindi sila gaanong naa-attract sa mga lalaki kahit mataas ang testosterone level at puro muscle ito.
Sa 2012 Scottish study, natuklasan na kapag nagte-take ng pills hindi sila naa-attract sa kanilang partner at hindi gaanong satisfied sexually. Pero mas nakukuntento sila sa financial status ng kanilang partner at malayo sa hiwalayan kaysa sa mga babaeng hindi nagte-take ng pills.
Hindi naman laging masama kung ipe-fake mo
Iniisip ng marami na kaya pini-fake ang pag-o-orgasm ng mga babae ay dahil hindi sila nasisiyahan kaya gusto na lang nilang matapos ang pagse-sex.
Ayon sa mga eksperto, kailangan din minsan ng ‘performance’ sa pakikipag-sex dahil mas nag-e-enjoy kapag nake-carried away.
Hindi lang naman babae ang may kakayahang mag-fake, kaya rin naman ng mga lalaki na magkunwaring ‘tapos na’. Kapag nadadala sa expression ng partner, mas nai-stimulate.(source:www.health.com)
- Latest