Mga hadlang sa ‘sex mood’
Last part
Itago ang mga “sex accessories” – Wala ng iba pang makakapatay sa inyong “sex mood” kapag hindi agad makita ang inyong mga sex gadgets gaya ng condom, Viagra, birth control at iba pa. Dapat na magkaroon ng iisang lalagyan ang mga bagay na ito sa loob ng inyong kuwarto. Tiyakin din na ang kahon na paglalagyan mo nito ay mayroong “lock”, upang maiwasang makita ng mga taong hindi dapat makakita nito gaya ng inyong mga anak, yaya at biyenan.
Ilaw na masakit sa mata – Tiyak na walang couple na magnanais na mag-lovemaking sa ilalim ng ilaw na kasing liwanag ng araw unless, papatayin niyo ito upang dumilim ang buong kapaligiran. Bakit hindi subukang gumamit ng mga ilaw na aakit sa inyong dalawa para i-click ang “on” para sa “sex mood”. Maganda rin gamitin ang kandila at ipaligid ito sa magkabilang side ng kama.
Kalat sa ilalim ng kama – Ayon sa mga Feng shui experts, ang ilalim ng kama ay dapat na laging malinis at walang kalat. Nagkakaroon daw kasi ito ng koneksyon sa inyong mood. Ang magulong ilalim ng kama ay parang paghiga raw sa isang kama na puno ng pako.
‘Unsexy bedroom’ - Nagtataka ba kayo kung bakit sa hotel ay masarap mag-do? Ito ay dahil napakaorganisado ng kuwarto rito. May magandang linen, malambot na kama, kaya naman wala kang ibang maalala kundi ang makipag-lovemaking sa iyong “significant other” at pagkatapos ay magpahinga.
- Latest