^

Para Malibang

The ghost of ‘Padre Tililing’(65)

TALES FROM THE OTHER SIDE - Pang-masa

LUHAAN sa galak na niyakap nang mahigpit ni Miranda si Simon, hindi pa rin makapaniwala na mahimala itong gumaling, nagbalik na sa normal ang kalusugan.

“Hu-hu-hu-hu-huuu.  Buhay na buhay ka na, Simon... hindi gaya kanina na binigyan ka na ng 50-50 ng mga duktor... hindi ka na mamamatay, mahal...”

 Maging si Simon ay hindi makapaniwala na namingit siya sa kamatayan kanikanina lang.

At alam ni Simon kung bakit; kung sino ang dahilan.

“Miranda, iniligtas ako ni Lord. Alang-a­lang sa lahat ng nagmamahal sa akin—kasama ka na.”

 Lalong hinigpitan ni Miranda ang pagkakayakap kay Simon. Tipong hindi na niya ito pakakawalan; She will never let him go.

 “Miranda, hindi rin ako makapaniwala... na mahal mo na akong muli, my love..”

 “Mahal na mahal kita, Simon, isinusumpa ko...”

 “D-dalawa na kaming mahal mo?”

Ang isa pang tinutukoy ni Simon na mahal din ni Miranda ay si ‘Padre Tililing’.

 Hindi naman ito ikinaila ni Miranda. “Siya ang mahal kong multo, nasa kabilang buhay na. Ikaw naman, Simon, ang mahal kong tulad ko ring mortal, may dugo at laman...”

  “Miranda, magpasalamat tayo sa Kanya,” bulong ni Simon, bahagyang tumingala.

 Tumango si Miranda. Lahat ng sasabihin ngayon ni Simon ay kaya niyang paniwalaan. “Anything you say, mahal.”

 SA ARAW ding iyon ay ini-release na sa ospital si Simon. Nagbayad ng malaking halaga si Miranda pero balewala ito sa smuggling queen. Naunawaang ang buhay at halaga sa kanya ni Simon ay hindi matutumbasan ng pera.

 At maraming pera si Miranda, napakarami pa. (ITUTULOY)

 

vuukle comment

BUHAY

HU

LORD. ALANG

MAHAL

MIRANDA

PADRE TILILING

SIMON

  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with