Ang Masuwerteng Pagtayuan ng Bahay
Walang maraming electric poles o lamp post sa lugar. May masamang epekto ito kung matatapat ang iyong bahay dito.
Ang mga halaman at damong tumutubo sa paligid ay berdeng-berde at malulusog. Ibig sabihin ay nakakalibot nang maayos ang positive energy sa lugar. Iwasan ang lugar na nanunuyot ang mga tanim sa paligid. Ang mga hayop (kung mayroon ) ay malulusog.
Ang lupa ay hindi dapat mamasa-masa (wet), marumi at mabuhangin. Malas magtayo ng bahay sa ganitong klaseng lupa. Ang halimbawa ng malusog na lupa ay ‘yung nabibili nating garden soil.
Walang mabahong amoy sa paligid, halimbawa, amoy dumi ng baboy na madalas umaamoy sa isang lugar na may katabing malalaking piggery.
Regular ang korte ng lote. Square or rectangle ngunit hindi triangle.
Ang ideyal na lugar ay may bundok sa likuran ng lote at sa harapan ay may natatanaw na dagat. O, kaya, pantay dapat ang lote ngunit kung hindi, dapat ay mas mataas ang lote sa likuran at mababa naman sa harapan.
Maunlad ang buhay ng mga taong nakatira sa paligid. Ang kaunlaran o kahirapan ay parang sakit na nakahahawa.
- Latest