^

Para Malibang

The ghost of ‘Padre Tililing’(58)

TALES FROM THE OTHER SIDE - Pang-masa

HANDA na ngang bigtihin ng mga bandido si Simon. Ang lubid na bibigti ay nasa leeg na, nakasabit ang dulo sa sanga ng malaking punong­kahoy.

“Teka-teka, huwag tayong basta mainip sa paglitaw ni Miranda. Sayang ang hihingin nating tatlong milyon!” sigaw ng lider sa mga tauhan.

 “Tama ka, bossing, pero padagdagan pa natin ang bayad!”

  “Oo nga, boss—sa halip tatlong milyon, gawin nating apat na milyon!”

 Saglit nag-isip ang lider ng mga bandido.

Kumunot ang noo. “Bakit apat na milyon?  Tinga lang ‘yon sa yaman ni Miranda!

“Gawin nating limang milyon!”

Nagbunyi ang mga tauhan, tuwang-tuwa. Kanya-kanya nang sigaw sa gagawin sa makakaparteng pera.

 “May pang-gudtaym na kami nina Millet at Georgia! Yahuuu!”

“Tatapalan ko ng pera ang beauty queen na pokpok! Makukuha ko rin siya!”

 “Tatlong dalagita agad ang ibabahay ko! Magkakaroon ako ng harem!”  Dinig ni Simon ang lahat ng usapan ng mga bandido. Kahit bugbog-sarado ay matalas pa rin ang isipan.  Kinasusuklaman niya ang plano ng mga dumukot. Kundi lang siya nakagapos ay lalaban na siya ng patayan.

 Mas matamis kay Simon ang mamatay na ipinaglalaban si Miranda.

 “Hindi na ako babalikan ni Miranda, mga ulul!”

Namula sa galit ang mga bandido. Mga ulul daw sila!

PUG-BUG-BUGG-PAGG-TADD.  Muli nilang binugbog si  Simon.

Nawalan na naman ito ng malay.

Napapailing ang mga bandido. Paano pala kung totoong hindi na babalikan ni Miranda si Simon?

Si ‘Padre Tililing’ ang nagbalik  at kunot-noong nagpakita sa mga bandido.

Nayanig nang todo ang masasamang-loob. “Ahhhh!” (ITUTULOY)

AHHHH

BAKIT

BANDIDO

DINIG

GAWIN

MIRANDA

PADRE TILILING

  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with