^

Para Malibang

The ghost of ‘padre tililing’ (54)

TALES FROM THE OTHER SIDE - Pang-masa

HINDI  na raw mahal ni Miranda si Simon, madiing sabi ng smuggling queen kay ‘Padre Tililing’.

Lalo lamang tumindi ang guilt ng ‘padre’. “Kung di sana sa aking presencia sa buhay mo, Miranda, hindi nawala ang pag-ibig mo kay Simon. At ako’y lalong nabibigatan ng kasalanan...”

“Excuse me?” Hindi na-gets ni Miranda.

“Miranda, kung hindi mo ako minahal, wala sanang hadlang sa pagmamahalan ninyo ni Simon. Isisilang mo ang kanyang sanggol at kayo’y magiging maligayang pamilya.”

Gigil na dumampot ng bato sa dalampasigan si Miranda.

Ihinagis iyon nang ubos lakas sa dagat.

Hindi naman nakaabot sa dagat ang bato. Iba ang nasapol sa noo.

Si Aling Nelda na nagtitinda ng turon.

“Aray kooo!”  sigaw ng tindera, mabilis na inilapag ang bilao ng turon. Agad na dinama ang noong nasugatan.

Dumugo  iyon nang masagana, natakot ang tindera. “Duguin ako! Mauubusan ako ng dugo! Kawawa ang tatlo kong musmos!”

Nataranta sina Miranda at ‘Padre Tililing’. Posibleng makamatay sila ng inosenteng ginang.  

Mabilis na dinaluhan nina Miranda at ‘padre’ si Aling Nelda. Nakalatag na ang katawan nito sa buhanginan.

“Aling Nelda, huwag ka pong mamamatay,” hagulhol na pakiusap ni Miranda. “Papakyawin ko po ang turon ninyo, promise!”

Padating ang mga taga-fishing village na nakakita sa insidente. Dadamay at mag-uus­yoso.

Tahimik namang ginagamot na ng multo ni ‘Padre Tililing’ ang magtuturon. Natural na hindi ito nakikita ng mga usyoso.

Pero nasasaksihan ng mga ito ang mabilis na pagkaampat ng dugo sa  noo ni Aling Nelda. Mayamaya nakabangon na ang magtuturon, para lang nagdahilan.

Klap-klap-klap-klapp. Nagpalakpakan ang mga miron.  

(ITUTULOY)

vuukle comment

ALING NELDA

ARAY

DADAMAY

DUGUIN

DUMUGO

GIGIL

MIRANDA

PADRE TILILING

SI ALING NELDA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with