^

Para Malibang

‘Wag magsalita ng tapos

IDAING MO KAY VANEZZA - Pang-masa

Dear Vanezza,

Itago mo na lang ako sa alyas Dessa, 26, single parent. Teenager pa lang ako ay pina­ngako ko sa aking sarili na hindi ko kailangan ang isang lalaki para lumigaya ang buhay ng isang babae. Basta may anak lang ako, okey na. Sa pinagtatrabahuan ko ay may nakarelasyon ako. May asawa na siya. Nang mabuntis ako, nag-resign ako at lumipat sa ibang kompanya. Six years old na ngayon ang anak namin. Ang hindi ko maintindihan ay kung bakit lagi ko siyang naiisip. Ngayon ko na-realize na mahal ko rin pala siya. Kung minsan ay gusto ko siyang dalawin pero nagdadalawang-isip ako dahil baka ma-eskandalo siya. Anong gagawin ko?

Dear Dessa,

Batid mo ang gusot na iyong pinasok kaya panin­digan mo. Palakihin mo na lang ang anak mo at limutin na ang nakaraan. Darating din ang panahon na makakatagpo ka ng isang lalaking iibigin mo at iibig din sa iyo sa kabila ng iyong kalagayan. Maging aral sa’yo na hindi dapat nagsasalita ng tapos dahil baka dumating ang araw na “kainin” mo ang iyong sinabi na siyang nangyari.

Sumasaiyo,

Vanezza

AKO

ANONG

BATID

DEAR DESSA

DEAR VANEZZA

ITAGO

NANG

NGAYON

  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with