^

Para Malibang

‘Turn-off’ siya sa’yo kapag….

Pang-masa

Naranasan mo na ba na makipag-date at ilang araw pa ay bigla kang naguluhan at nagtanong sa iyong sarili kung gusto ka rin ng iyong ka-date? Natagpuan mo ba ang iyong sarili na pinatutunayan na ikaw ay hindi dapat pakawalan ng iyong naging ka-date dahil sa pagiging masayahin, maganda at matalino mo? Maaaring naiisip mong ito ang tama at normal na paraan para mahalin ka ng lalaki, ngunit sa totoo lang, ito ay mali. Para sa mga dalaga, paano ka nga ba magkakaroon ng tamang koneksiyon sa puso ng lahi ni Adan? Narito ang ilang paraan:

Huwag kang magbigay ng higit sa kanyang ibinibigay – Karamihan sa mga babae ay nag-aakala na mapapamahal sa kanya ang isang lalaki kung magbibigay siya ng sobra rito. Maaaring ginagawa mo rin ito dahil sa sobra mo nga siyang mahal. Pero, hindi ito tama. Dahil ang mga lalaki ay nati-turn-off sa babae kung mas higit ang ibinibigay nitong atensiyon, regalo, panahon, pagmamahal kumpara sa ibinibigay niya sa babae. Sa totoo lang kung ganito ang iyong ginagawa, maa­aring ang maging tingin sa’yo ng lalaki ay isa ka ng “nanay” para sa kanya kaysa maging “girlfriend”.

Huwag kang maging “exclusive” para sa kanya. – Kung hindi pa siya nagbibigay sa’yo ng commitment. Kung wala pa siyang malinaw na senyales na “kayo” na at handa na siyang maging “exclusive” para sa’yo, hindi mo rin dapat gawing “exclusive” ang sarili mo para sa kanya. Hindi rin tama kung kukulitin mo siya para malaman ang tunay ninyong “status” dahil tiyak na mas lalayo siya sa’yo. Mas makakabuti pa nga kung makikipag-date ka pa rin sa iba, dahil tandaan mo mahirap umasa sa “wala”.

Huwag mo siyang bibigyan ng regalo – Ang mga babae, kapag gusto at mahal na nila ang lalaki, hindi nila mapigilan ang kanilang sarili na bumili ng regalo para sa lalaking ito. Hindi ito dapat ginagawa lalo pa at kayo ay nasa “dating stage” pa lang. Hindi mo dapat gawin ang isang bagay na hindi mo pa obligasyon na gawin para sa kanya dahil wala pa naman kayong pormal na relasyon. “Over functioning” ang tawag dito. Tiyak na turn-off ang lalaki sa mga babeng gumagawa ng ganito. Iilan lang ang mga lalaking pumapabor sa ganitong gawain ng babae.

ADAN

DAHIL

HUWAG

IILAN

KUNG

MAAARING

PARA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with