Alam n’yo ba?
Alam n’yo ba na ang Aklan ang kauna-unahang probinsiya na ideklara o naitatag sa bansa? Idineklara itong probinsiya noong 1213 at ang mga nakatira rito ay mula sa Borneo.
Ang unang lider dito ay si Datu Dinagandan. Ang pinakamatandang bayan naman ay ang Unisan Town sa Quezon. Ito ay 481 taon na mula ng itatag noong 1521.
Ang pinakamatandang siyudad naman ay ang Cebu City at narito rin ang pinakamatandang kalye. Ito ay ang Calle Colon na ginawa noong 1565 ng mga tauhan ni Miguel Lopez de Legazpi.
Ang pinakamatandang ospital naman ay ang San Lazaro Hospital. Ito ay itinayo noong 1678 kasunod ang Enfermeria de Naga noong 1583 at ang Hospital de San Juan de Dios noong 1596.
- Latest