^

Para Malibang

The ghost of ‘padre tililing’(49)

TALES FROM THE OTHER SIDE - Pang-masa

MATAGAL-TAGAL din bago may dumating na bus sa ilang na highway. Pa-Maynila ito.

Sumakay na si Miranda at mga kapwa pasahero. Pero gaya ng dapat asahan, nag-usyoso muna ang mga sakay ng bus. Ang iba ay kumuha pa ng larawan ng malagim na sakuna.

Si Miranda ay sa tabing bintana na naman napaupo. Pilit niyang inaalis sa isip ang malagim na aksidente, ayaw isipin na isang batang musmos ang kasamang nasunog ng bus.

Mas tamang sabihing sumambulat ang bus kasama ang bata.

Ang nanay nito ay baliw na. Hindi na tumatawa o umiiyak. Nagbo-broadcast nang parang newscaster. “Sa ating mga tampok na balita—Tuloy ang pagbisita ng sampung tikbalang sa ‘Pinas! London Marathon, na-postpone dahil sa mga daga. Barko sa Pasipiko, naging eroplano...”

Napabuntunghininga si Miranda. Naalala ang dalawang lalaking minahal. Si ‘Padre Tililing’ at si Simon.

Si ‘Padre’ ay lagi niyang mamahalin. Forever.

Si Simon na ama ng kanyang isisilang? Ewan ni Miranda. Hindi niya makapa kung mahal pa niya si Simon.

Mamahalin niya ang kanilang magiging anak, babae man o lalaki. Iyon ang sigurado.

EWAN kung dahil sa pagod at kabiguan, nakatulugan ni Miranda ang mahabang biyahe. Nasa terminal na ng bus sa Pasay siya nagising.

Sumakay siya ng taxi. Nagpahatid sa bahay sa aplaya.

Kumuha siya ng cash sa kaha de yero. Nagbayad ng tatlong libo sa mabait na taxi driver na tatang na.

Inasikaso siya agad ng mga tauhan. Naroon ang personal niyang maid—si Aling Desta. Ito ang nagpaligo at nagmasahe kay Miranda hanggang ang huli ay nakatulog.

MAALIWALAS na ang isip ng smuggling queen nang magising. “Wala po bang nagre-raid, Aling Desta?”. (ITUTULOY)

ALING DESTA

BARKO

EWAN

LONDON MARATHON

MIRANDA

PADRE TILILING

SI MIRANDA

SI SIMON

SUMAKAY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with