Tamang pagpapainom ng gamot kay baby (3)
Suriin ang mga numero sa direksyon ng maige upang maiwasan madoble o ‘di kaya kulang sa dosage na iyong mapiinom sa iyong anak. Basahin ang instraksiyon at sukatin ang dosage na ipaiinom sa maliwanag na lugar upang hindi magkamali.
Alamin ang timbang ng iyong anak. May ilang dosage na pinagbabasihan ang timbang at edad ng bata. Maaaring makatulong ang paglilista ng timbang sa papel at ilagay ito sa medicine cabinet upang maipainom ang tamang dosage na naaayon sa timbang at bigat ng bata.
Tiyaking mabuti na nakalug ng maige ang mga gamot na likido kapag ito ay nakasaad sa label ng gamot. Ito ay ginagawa upang mahalo ng maige ang mga sangkap upang maiwasan ang pag-inom ng bata ng gamot na sobrang taas o mababa ang sangkap. ITUTULOY
- Latest