^

Para Malibang

Namamagang lalamunan

Pang-masa

Ang pagkakaroon ng sore throat o pamamaga ng lalamunan ay unang sintomas na magkakaroon ka ng sakit, nagdudulot ito ng hindi magandang  pakiramdam lalo na kapag ikaw ay kumakain, tuloy nawawalan ka ng gana sa pagkain dahil sa masakit na paglunok. Ayon kay William Schaffner, MD, professor  at chairman ng Department of Preventive medicine sa Vanderbilt University School of Medicine sa Nashville, Tennessee,  karaniwang dulot ng sore throat  ay bunsod ng viruses na normal na kusang gumagaling sa pamamagitan ng pamamahinga. Minsan naman ito ay dulot ng bacteria na  tinatawag na “strep infection”. Kaya kung masyado ng nagpapahirap sa’yo ang pananakit ng iyong lalamunan, dapat na agad na kumunsulta sa doctor upang maagapan ang pagkakaroon ng kumplikasyon ng rheumatic fever. 

Bagama’t panahon ng tag-init, maaari pa rin kapitan ng sore throat dahil sa virus na nasasagap na dulot ng mainit na panahon. Maaari naman remedyuhan ang sore throat kahit pa nasa bahay ka lang. Sa isang pag-aaral sa Pennsylvania State University, nadiskubre nilang ang pag-inom ng  isa hanggang dalawang kutsaritang honey bago matulog ay makakatulong na panlaban sa pamamaga ng lalamunan at ubo. Ang honey ay may sangkap na dextromethorphan na siyang magbibigay ng magandang pakiramdam sa iyong lalamunan. Mayroon din itong anti-microbial ingredient kaya mahusay din itong panlaban sa ubo at sipon.

Maaari rin magmumog ng maligamgam na tubig na may sangkap na isang kutsaritang asin para maginhawahan ang iyong lalamunan. Uminom din ng vitamin C supplement upang mas lumakas ang immune system ng katawan na siyang lalaban sa mikrobyong nais kumapit sa iyong katawan.

AYON

BAGAMA

DEPARTMENT OF PREVENTIVE

KAYA

MAAARI

MAYROON

PENNSYLVANIA STATE UNIVERSITY

VANDERBILT UNIVERSITY SCHOOL OF MEDICINE

WILLIAM SCHAFFNER

  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with