Paano magkakaroon ng ‘Fresh Energy?
Kailangang “fresh” ang energy na umiikot sa labas at loob ng inyong bahay upang good luck lamang ang makamtan ng pamilya. Paano makakamit ang fresh energy?
Maglinis ng bahay at bakuran. Ang mga basag o sirang gamit kagaya ng furnitures, electric appliances na wala nang pag-asang ma-repair ay itapon na o ibenta sa junk shop.
Buksan ng isang oras ang mga bintana upang makapasok ang sariwang hangin at sinag ng araw. Labhan ang mga kurtina. Kung may pera, gumamit ng bago. Huwag gumamit ng peach color. Ang epekto ay paglandi ng isa sa mag-asawa o extra marital affair.
Ihalo sa isang timbang tubig ang 3 kutsarang ammonia at 3 kutsarang asin. Ito ang tubig na pagsasawsawan ng malinis na basahan na ipampupunas sa sahig, bintana, pintuan at ibang bahagi na puwedeng punasan ng basang basahan. Ang matitirang tubig ay ibuhos sa sahig ng toilet. Kung kukulangin ay puwede uling magtimpla ng panibago.
Pausukan ang buong bahay ng kamanyang na nabibili sa mga herbalist sa Quiapo. Pausukan pati ang ilalim ng lababo at mga lugar sa bahay na madilim at bihirang pasukin ng tao.
- Latest