Tamang pagpapainom ng gamot kay baby (1)
Ang mga sanggol ay mas sensetibo sa medikasyon kumpara sa matatanda. Kapag binigyan ng maling dami ng gamot (dose), o kaya sa maling oras ng pag-inom ng gamot ito ay maaaring hindi umipekto at maaaring makapinsala sa kanilang kalusugan. Naririto ang ilang gabay sa tamang pagpapainom ng gamot sa mga sanggol:
Kumunsulta sa mga propesyunal
Kausapin ang iyong pharmacist o doctor tungkol sa gamot na inyong ipapainom sa mga bata. Kapag may preskripsyon, magtanong kung para saan ito at anong mga side effect na maaaring mangyari. Magtanong kung kailan ito eepekto at hanggang kailan ang inuman nito.
May ilang gamot na ipinapainom bago o pagkatapos kumain. Ang ilang gamot naman ay mas nagiging epektibo kapag sinasabayan ng partikular na pagkain. Kailangang maitindihan ang dosage at kung paano ipaiinom ito.
Kapag bumili ng gamot sa pamamagitan ng over the counter lang, kailangang mag tanong sa pharmacist kung ang gamot ba na binile ay ligtas painumin sa bata. Itanong din kung anong side effects nito at interaction sa ibang gamot. Siguraduhin na nasabi sa doctor ang mga allergies ni baby kung meron man.
Mag painom ng tamang dose ng gamot
Ayong sa pag-aaral na nailathala sa Archives of Pediatrics and Adolescent Medicine, 70 porsiyento ng mga magulang ay may problema kung gaano ka rami ang gamot na dapat ipaiinom sa mga bata. Paano ba masisiguro na tama ang dose na ipinaiinom sa inyong mga anak? Naririto ang ilang gabay kung paano mapapainom tamang dosage inyong ang mga anak: (Itutuloy)
- Latest