Ebola Virus Disease Last part
Ang Ebola Virus Disease ay isang malubhang sakit na dulot ng virus na kung saan ang pasyente ay may biglaang lagnat, sobrang panghihina, masasakit na kasukasuan, masakit ang ulo at sore throat. Ito ay susundan ng pagsusuka, pagtatae, pantal, pinsala sa kidney at atay, kung minsan ay may internal at external bleeding. Sa mga pagsusuri sa laboratory ay makikita ang pagbaba ng white blood cell, platelet counts at mataas na liver enzymes.
Diagnosis
May iba pang sakit na dapat ikonsidera bago ang pagsusuri sa EVD gaya ng malaria, typhoid fever, shigellosis, cholera, leptospirosis, plague, rickettsiosis, relapsing fever, meningitis, hepatitis at iba pang viral hemorrhagic fevers.
Ang Ebola virus infections ay maaaring ma-diagnosed sa laboratoryo sa pamamagitan ng ilang klaseng pagsusuri katulad antibody-capture enzyme-linked immunosorbent assay (ELISA); antigen detection tests; serum neutralization test; reverse transcriptase polymerase chain reaction (RT-PCR) assay; electron microscopy at virus isolation by cell culture. Ang mga samples sa mga pasyente ay isang extreme biohazard; pagsusuri ay kailangang gawin sa ilalim ng maximum biological containment conditions.
Sa pagkontrol ng Reston ebolavirus sa domestic animals
Wala pang bakuna para sa mga hayop na panlaban sa RESTV na puwedeng gamitin. Ang routine cleaning at disinfection sa piggery o monkey farms (na may sodium hypochlorite o iba pang detergents) ay kailangang gawin ng maayos upang mapigilan ang virus na maaaring magdulot ng RESTV. Kapag may pinaghihinalaang outbreak, ang lugar na kung saan may outbreak ay kailangang i-quarantine sa lalung madaling panahon. Kailangang mahanap ang mga apektadong mga hayop upang mailibing o masunog ang mga katawan upang mapigilan ang panganib ng pagkahawa ng mga tao sa mga apektadong hayop.
Ang pagbabawal ng paglipat ng mga hayop na galing sa apektadong lugar patungo sa iba pang lugar ay makakabawas ng pagkalat ng sakit.
- Latest