Ebola Virus Disease (1)
Noong nagdaang buwan ay natalakay natin sa ating pitak ang tungkol sa ebola virus na lubhang mapanganib sa buhay na ngayon ay kumitil ng mahigit walong daang tao sa West Afrika. Kabilang sa naapektuhan ng sakit na ito ay ang mga volunteer doctor na hanggang ngayon ay nakikipaglaban para sa kanilang buhay. Paano nga ba ito maiiwasan at anu-ano ang mga dapat na hakbang para gumaling sa sakit na ito?
Mga impormasyon ukol sa ebola virus
Ang Ebola virus disease (EVD) ay kilala sa dating pangalan na Ebola haemorrhagic fever, isang malubha, karaniwang nagdudulot ng kamatayan sa tao.
Ang paglaganap ng EVD ay karaniwang umaabot sa 90% ang resulta ng kamatayan. Ang EVD outbreaks ay karaniwang lumalaganap sa liblib na lugar ng Central at West Africa, na karaniwang malalapit sa tropical rainforests.
Karaniwan ang virus na ito ay nasasalin sa mga tao galing sa mga hayop sa ilang at kumakalat sa populasyon ng tao sa pamamagitan ng human-to-human transmission. Ang Fruit bats (Pteropodidae) o paniki ay kinukonsiderang pinanggalingan ng Ebola virus. Ang malubhang apektado ng sakit na ito ay kinakailangan ng masidhing pangangalaga. Walang espesipikong gamutan o bakuna ang makakalunas sa sakit na ito. (Itutuloy)
- Latest