^

Para Malibang

The ghost of ‘padre tililing’ (36)

TALES FROM THE OTHER SIDE - Pang-masa

NADINIG ng mga kapitkuwarto ang malakas na tili ni Miranda. Nabulabog ang pagtulog ng mga ito, inis na sumugod kina Miranda at Simon.

 “Bakit ba maligalig kayong mag-asawa?”

“Kung ayaw ninyong matulog, magpatulog naman kayo ng kapwa!” Masasakit na salita ang inabot nina Miranda at Simon.

Hindi nila masabi sa mga kapitkuwarto na silang mag-asawa ay dinalaw ng maraming bungo.

Naglaho na kasi ang mga bungo. Baka naman isiping silang dalawa ay dapat nang naka-confine sa mental, sa kulungan ng mga baliw. 

“N-natakot po ako sa malaking daga,” pagsisinungaling ni Miranda. “Pasensiya na po talaga.”

 

“Hmpp, ano pa nga ba ang aming  magagawa?”

“Mga buwiset,” hirit ng isang supladang biyuda.

Nais manabunot ni Miranda, hindi siya sanay na inilalampaso ng kapwa. Gayunma’y sumunod siya sa gusto ni Simon, nagpakahinahon.

Magkatabi na naman sila, nakadungaw sa bintana.

“Bakit tayo dinalaw ng mga bungo, Simon? Ano ang ibig sabihin niyon?”

Gulung-gulo na naman ang kanilang isipan.

Huminga ng ma­lamig na hangin si Simon. “Siguro, sa ating  nakaraan, nakagawa tayo ng mga maling bagay, Miranda. Kaya ngayon tayo pinarurusahan. Parang...karma.”

”Nakagawa naman talaga ako ng malaking kasalanan sa lipunan, Simon. Kung tutuusin, kulang pa ang parusa sa akin.” Kahit paano ay alam ni Miranda ang mga pagkukulang at mga kalabisan sa kapwa.

SA TULONG ng mabubuting tao, napasama sina Miranda at Simon sa unang hanay ng mga ibabalik sa Maynila.

Isinakay sila sa isang cargo plane.

Narating nila nang mapayapa ang airport sa Kamaynilaan nang libre

Humalik sa lupa si Miranda, taos na nagpapasalamat na sila ay buhay pa.

“Saan tayo, Simon?”

“Sa lugar namin, sa pagitan ng Laguna at Batangas. Hindi tayo mabubulabog doon ni Tili­ling, Miranda.” (ITUTULOY)  

 

ANO

BAKIT

BATANGAS

GAYUNMA

GULUNG

MIRANDA

SIMON

  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with