Matipid o sadyang kuripot si kuya? (2)
Ito ay karugtong ng paksa kung paano mo malalaman kung matipid o talagang kuripot at ayaw ka gastusan ng iyong ka-date. Narito pa ang ilang tips:
‘Coupon’ sa first date – Minsan, hindi maiiwasan na maging magastos ang inyong date, okey lang na may mga pagkakataon na kumain kayo sa medyo murang restaurant. Pero, may kasabihan na “First impression lasts”. Kaya dapat sa first date ay makapag-create ka na ng magandang impresyon sa babae. Kaya kung nakita mong gumamit ng coupon sa inyong first date si kuya, naku! Medyo ma-turn-off ka na. Dahil ginagamit ang ganitong style kung kayo ay magkarelasyon na para kung makakatipid, mas maraming date ang inyong magagawa. Pero kung sa first date pa lang ay coupon na agad ang gamit ni kuya, masasabi itong ewweee!
Palagi niyang sinasabing “kumain na ko sa bahay” – Kung alam na ng ka-date mo na kayo ay kakain sa labas ng magkasabay, bakit siya kakain sa kanilang bahay? Kung ganito na ang kanyang karakter at pag-uugali sa panahon na nagde-date pa lang kayo, mag-imagine ka kung magiging anong klaseng bf siya kung talagang kayo na.
Lagi siyang naghahanap ng mali para makamura sa presyo – Siyempre, aminin mo man o hindi, nakaka-turn-off ang ka-date na kailangan laging tawagin ang manager ng restaurant para lang idiskusyon ang mga presyo ng inyong kinain. Ito’y maituturing na “red flag” para sa’yo.
Dinadala ka lang sa mga lugar na “free” – “Proud” ang mga babae kung ang kanilang kasama ay isang lalaking popular sa isang lugar. Nakakanood siya ng concert ng free, nakakakain sa mga magagandang restaurant ng libre dahil kilala siya dito. Pero, kung palagi ka na lang niyang dinadala sa mga lugar na “Free” siya sa anumang pagbabayad, dapat ay maalarma ka na. Dahil maituturing mo na siyang “Cheap”, cheap, cheap. Dahil gusto ka rin niyang kunin na “Free”. Dapat na mag-ingat ang mga babae sa mga lalaking hindi kayang gumastos o mag-invest para siya kilalanin.
- Latest