Pampagaan ng Daloy ng Pera
Kailangan: Berdeng papel na korteng square; 9 pieces ng 1-peso coin; envelope.
Paraan: Isulat sa berdeng papel ang perang kailangan mo. Sa pagkakataong ito, amount lang na kailangan mo. Huwag maging ganid. Ilagay ang 9 na pirasong coins sa envelope at isara ito. Maghukay sa tabi ng puno. Ingatang masugatan ang ugat. Dapat ay malalim ang hukay upang hindi matuklasan ng ibang tao. Tatlong beses tiklupin ang berdeng papel. Ilagay ito sa envelope kasama ang coins. Sulatan ng peso sign ang envelope. Tapos usalin ang mga sumusunod:
Ang siyam na piso ay dadami, lalago upang magamit ko sa aking pangangailangan. Siya nawa.
Ibaon ang envelope sa hukay at takpan ng lupa. Kausapin mo ang puno na bantayan ang iyong pera at palaguin ito kagaya ng kanyang pagbunga. Kaya importanteng malusog ang punong pagbabaunan ng iyong barya.
- Latest