^

Para Malibang

The ghost of ‘padre tililing’(23)

TALES FROM THE OTHER SIDE - Pang-masa

DALA NI Antonya ang sasakyan pati mahabang sandata. Nasa mukha ng alalay-amigang ito ni Miranda ang galit.

“Arnold, samahan mo ako!” sigaw ni Antonya sa tauhang guwapong binata.

Kaydali naman nitong nakalulan sa SUV dala ang mahaba ring sandata.

Buuummm. Mabilis nang pinatakbo ni An­tonya ang sasakyan.

“Saan po tayo, Mam Antonya?” kaswal na tanong ni Arnold, ngumunguya ng tsitsarong kropek.

“Doon sa lugar ng mga busabos na mangi­ngisda! Gusto kong makita nang sarili kong mata ang mga itinatayo doon ng mga patay-gutom, Arnold!”

  “Nakita ko na po, Mam Antonya. Mga ­pa­ng­ kabuhayan—mga bagong bangka, kawad ng kuryente...”

Lalong sumagad ang galit ni Antonya. Pinabilisan pa ang takbo ng sasakyan.

Bruu-bruummm.  Bumukas ang isang pinto ng SUV, muntik mahulog ni Arnold. “Aaahh.”

“Kumapit ka, gago!” sigaw ni Antonya.

Namula sa galit ang guwapong binata, hindi sanay na pinagagalitan; lalong ayaw natatawag na ‘gago’.

Sumigaw kay Antonya. “Hindi ako gago! Ikaw ang hindi marunong magmaneho!”

Itinutok sa ulo ni Antonya ang mahabang sandata. “Bawiin mo ang sinabi mo! Kundi’y patay ka!”

Screeechhh. Nginig sa takot na biglang ihininto ni Antonya ang sasakyan. Nanatili sa harap ng manibela.

Saka nagmakaawa sa tauhan, nakataas ang mga kamay. “A-Arnold, mainit lang ang ulo ko, pasensiya na.”

“Pasalamat ka’t hindi ka maganda, Mam Antonya, naaawa akong pumatay ng hindi magaganda,” walang prenong sabi ni Arnold.

Insultung-insulto si Antonya. Ipinagdiinan ni Arnold na siya ay panget!

Muli niyang pinabilis ang takbo ng SUV, ang puntirya ay banggain ang mga poste ng kuryente. Patitikimin ni Antonya ang mga busabos—ng ngitngit ng panget! Suicidal na ang amiga-alalay ni Miranda.

Pero nakabantay si ‘Padre Tililing’, sa isang kumpas nito ay sa dagat tumalon ang sasakyan—tangay sina Antonya at Arnold! (ITUTULOY)

vuukle comment

A-ARNOLD

AAAHH

ANTONYA

ARNOLD

BAWIIN

MAM ANTONYA

MIRANDA

PADRE TILILING

  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with