^

Para Malibang

Lesbian ang gf

IDAING MO KAY VANEZZA - Pang-masa

Dear Vanezza,

Ako po si Gester, 29, isang medical representative. Ang problema ko ay hanggang ngayon ay hindi ko matanggap na ipinagpalit ako ng babaeng pakakasalan ko sa kapwa niya babae. Ikakasal na sana kami noong 2012. Pero bigla siyang umatras dahil mayroon na raw siyang ibang minamahal. Humingi siya ng tawad at pang-unawa sa akin. Inakala ko na lalaki ang naging karibal ko. Subalit nabigla ako ng sabihin niyang kapwa niya babae ang kapalit ko at nagsasama na sila. Sa kabila ng ginawa niya ay gusto pa rin daw niyang manatili ang aming pagiging magkaibigan. Pero hindi ko iyon tinanggap. Hindi ko matanggap na dinaya niya ako. Tama ba ang ginawa ko?

Dear Gester,

Ipagpasalamat mo na inamin pa rin niya sa’yo ang kanyang pagiging lesbian. Lalo kang magsisisi kung nagpakasal kayo pero sa dakong huli lalabas din ang reyalidad ng kanyang tunay na pagkatao. For old times sake, ituring mo pa rin siyang kaibigan. Pero kung hindi ka komportable na ma­ging magkaibigan pa rin kayo sa isa’t isa, huwag mo nang ipilit. Go out and look for your own true love. Makakatagpo ka pa ng babaeng tunay na magmamahal sa’yo at iibigin mo.

Sumasaiyo,

Vanezza

DEAR GESTER

DEAR VANEZZA

HUMINGI

IKAKASAL

INAKALA

IPAGPASALAMAT

MAKAKATAGPO

PERO

SUBALIT

  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with