^

Para Malibang

Paano magbigay ng respeto? (1)

Pang-masa

Ang isa sa pinakamahalagang sekreto para tumagal ang relasyon ng isang “couple” ay ang pagbibigay ng respeto sa isa’t isa. Kapag nawalan na ng respeto ang bawat isa  ay simula na rin ito ng pagguho ng kanilang pagsasama o mabuting pagtitinginan. Hindi naman dapat hinihingi ang respeto, bagkus, bago pa man pasukin ng dalawang tao ang isang relasyon, dapat na mayroon at handa na nilang ibigay ang respetong ito sa isa’t isa. Ilan sa mga kasabihan ng mga matatanda ay kapag nagpakita ka ng mataas na respeto sa lalaki ay doble nito ang ibibigay niyang pagmamahal sa’yo.

Respeto sa sarili – Kung mayroon kang respeto sa iyong sarili, ay tiyak na bibigyan ka rin ng ibang tao nito. Hindi ka dapat umasa na reres—petuhin ka ng ibang tao lalo na ng iyong partner o mister kung ikaw ay wala mismong respeto sa iyong sarili.

Matutong magdesisyon at maging tapat – Mas rerespetuhin ka ng iyong partner kung marunong ka din magdesisyon  sa iyong sarili sa ilang mga pagkakataon na ikaw ang kinakailangan na magdesisyon. Anuman ang iyong desisyon kailangan mo itong panindigan. Pero dapat mo pa rin balansehin lahat dahil baka naman lumabas na sobrang tigas ng iyong personalidad o kalooban ay hindi rin ito magandang tingnan sa isang babaeng gaya mo. (Itutuloy)

ANUMAN

ILAN

ITUTULOY

IYONG

KAPAG

MATUTONG

PERO

RESPETO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with