^

Para Malibang

The ghost of ‘padre tililing’(21)

TALES FROM THE OTHER SIDE - Pang-masa

HINDI maintindihan ng mga linemen kumbakit kinikilabutan ang pakiramdam nila habang naglalagay ng kawad ng kuryente sa lugar ng mga mangingisda.

“Manong, bakit iba ang simoy ng hangin, nakakapangalisag-balahibo. Parang may multo,” tanong ng lineman kay Mang Goryo.

Natawa ang pinakalider ng mga mangingisda. “Tama, may multo nga--isang friendly ghost.”

“Ho? Araw na araw, may multo?”

“Oo nga, kakampi namin, si Padre Tililing.”

Nagkakatinginan ang mg linemen. May ilang naniniwala; maraming hindi. Sa moderno nilang mundo ay hindi na uso ang multo.

“Kung may multo, nasaan naman?” tanong ng lineman kay Mang Goryo.

Inginuso nito ang di-kalayuan. “Hayun, iho.”

Ewan kung tutoong nakita ni Mang Goryo ang mabait na multo.

Hindi nakita ng mga linemen. “Wala naman ho, a.”

“Mga kabayan...” sabi ni ‘Padre Tililing’ sa boses na parang naka-megaphone.

 Nadinig iyon ng mga linemen. Napatanaw lahat sa pinagmulan ng makapangyarihang tinig.

“Pakiayos ang inyong paglalagay ng kuryente, huwag barabara ang trabaho, mga kabayan,” mahinahong sabi ng multong mabait.

Parang ipinako ang mga paa ng linemen sa kinatatayuan, kinilabutan, alam nang may multo ngang hindi nakikita.

Mayamaya pa’y nakabawi na nang hinahon ang mga linemen, nagsipagtrabaho na nang maayos.

ISANG tauhan ni Miranda ang nakasagap sa pangyayari sa aplaya ng mga mangingisda.

Nag-report agad kay Miranda. Napamura sa galit ang smuggling queen.

“Binabago ni Tililing ang teritoryo ko at wala akong kaalam-alam! Papatayin ko siyaaa!”

Nakatanga kay Miranda si Antonyo, parang sinasabing ‘paano mo papatayin ang isang patay na?’  (ITUTULOY)

 

ANTONYO

ARAW

BINABAGO

EWAN

MANG GORYO

MIRANDA

MULTO

PADRE TILILING

  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with