Benepisyo ng ‘soy milk’
Hindi lang ang pagkain ang dapat na maging masustansiya, kundi maging ang ating mga iniinom. Dapat din alamin kung ano ang benepisyo ng iyong kinakain at iniinom gaya ng soy milk. Narito ang ilang benepisyo nito:
Nagtataglay ng protina gaya ng sa gulay - Walang taglay na “lactose” ang soy milk kaya naman magbebenepisyo dito ang 90% na Asyano. Dahil karamihan sa mga Asyano ay may “lactose intolerance” o hindi kaya ng tiyan nito na tunawin ang lactose. Mayroon din itong prebiotic sugar na “stachyose” at “raffinose” na tumutulong na mapababa ang lebel ng toxins sa katawan.
Nagpapababa ng cholesterol – Ang saturated fat mula sa gatas ng baka ay hindi mabuti sa kalusugan dahil nagpapataas ito ng lebel ng cholesterol sa katawan. Pero sa soy milk, pinabababa nito ang cholesterol mo dahil sa taglay nitong protinang gaya ng sa gulay. Ayon sa Food and Drug Administration ng Amerika, ang soy protein ay nagpapababa din ng panganib ng pagkakaroon ng sakit sa puso, kaya naman inirerekomenda nito na magkaroon ng 25 gramo ng soy protein araw-araw.
Mababa ang porsiyento ng pagkakaroon ng allergy – Sa pag-aaral ng U.S. Food and Drug Administration, 0.5% ng mga bata ay may allergy sa soy milk habang 2.5% naman ang allergy sa gatas ng baka.
Hindi nagtataglay ng hormones – Walang hormones na makukuha sa soy milk, hindi gaya ng sa gatas ng baka. Ang gatas kasi ng baka ay may taglay na natural/synthetic hormones na kadalasan ay nakakaimpluwensiya sa maayos na kalagayan ng katawan.
- Latest