ALAM N’YO BA?
Alam n’yo ba na ang unang spelling o pagkakasulat ng salitang “ketchup” ay “catsup” noong 1690? Pagdating ng 1711 ay naging “ketchup” ang spelling nito, ngunit bumalik sa “catsup” noong 1730. Noong 18th at 19th Century, ketchup ang karaniwang tawag sa iba’t-ibang uri ng sauce o sawsawan na gawa mula sa suka. Ang Heinz ketchup ay ipinakilala noong 1876. Ang ketchup na hindi pa nabubuksan ay maaaring tumagal ng hanggang isang taon habang ang isang nabuksang ketchup ay tumatagal naman ng isang buwan. Nagtataglay ng mataas na acid ang ketchup dahil sa taglay nitong kamatis at suka, kaya naman hindi na kinakailangan itong ilagay sa refrigirator kahit na buksan ito.
- Latest