^

Para Malibang

The ghost of ‘Padre Tililing’(12)

TALES FROM THE OTHER SIDE - Pang-masa

BUMABANGGIT ng tungkol sa Diyos si Miranda at takang-taka si Antonya. Nabaliw na ba ang smuggling queen?

 “Miranda, ikaw, tayo ay mga smugglers. Hindi tayo kapanalig ng Diyos. Hindi mabuting gawain ang smuggling,” mahabang paliwanag ni Antonya sa amo ng samahang illegal.

 Parang walang narinig si Miranda, tinanaw ang sikat nang araw sa silangan. Nagbihis ito ng panlakad.

 Disenteng blusa at palda; hindi na ang sexy at bulgar na damit nito.

Lalong nagtaka si Antonya. “Para kang manang, Miranda, para kang sisimba sa suot mo.”   

“Dadalaw ako sa mga taga-fishing village, Antonya.”   “Ha? Aba’y bakit?”

 “Naghihirap sila sa buhay, Antonya, kailangang damayan.”

 Nais na yatang matumba ni Antonya sa pagtataka. Nakulam ba si Miranda? May kung sino bang nag-magic sa kanilang boss?

 Hinabol na lang ni Antonya ng tanaw si Miranda. Buong hinhin itong sumakay sa SUV na walang dalang anumang armas o sandata.

 Bruumm.  Halos mahinhin din ang arangkada ng engine, hindi masakit sa tenga, hindi mayabang.

Dinaan ni Antonya sa pag-inom ang sobrang pagtataka kay Miranda. Natalo siya ng inuming nakalalasing. Pumlakda sa sahig.

NARATING ni Miranda ang fishing village. Andap sa kanya ang mga tao, umiiwas. Ang iba’y napipilitang magbigay-galang dahil sa takot.

Nagtuloy si Miranda sa pamilya ng pinakalider ng mahihirap. “Tao po, Mang Goryo? Tao po.”

Takang napalabas si Mang Goryo, itinigil muna ang pagsisibak ng panggatong. “M-Mam Miranda, kayo pala.” Napansin agad ni Mang Goryo ang mabait na anyo ng dating malupit na smuggling queen. Ito nga ba si Miranda?

“Mang Goryo, may biglaang miting po tayo. Pakitawag po rito ang lahat ng maaaring dumalo. May dala po akong magandang balita.”

(ITUTULOY)

 

ANDAP

ANTONYA

BRUUMM

BUONG

DADALAW

M-MAM MIRANDA

MANG GORYO

MIRANDA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with