Madalas naitatanong sa Feng shui
Bad Fengshui ba na magdispley ng relo sa loob ng bahay?
Hindi pero may pinipiling lugar ang paglalagyan ng displaying clock, hanging clock, cuckoo clocks, etc. Ang good fengshui area para sa relo ay kitchen, salas at home office. Okey lang maglagay sa bedroom ng relo ngunit ito ay dapat na maliit lamang. Iwasan ang pagdidispley ng malaki at maraming relo sa loob ng bedroom. Huwag maglalagay ng metal clock sa East. Huwag din ilalagay ang relo sa lugar na una mo itong makikita kapag pumasok ka sa loob ng bahay.
Masuwerte bang gawing necklace ang ngipin ng Tigre?
Ang tiger tooth ay simbolo ng katapangan at lakas. Okey lang itong gamitin ng mga may animal sign na Dog, Horse at Pig. Lilinawin ko na ang tiger tooth ay protective amulet at hindi lucky charm.
Bakit masamang magdispley ng mirror sa tapat ng main door?
Ang good luck na papasok sa bahay ay agad na lalabas. Lagi kang malalampasan ng magagandang oportunidad o kaya ay laging may darating na pagkakagastusan ang pamilya.
- Latest