^

Para Malibang

The ghost of ‘padre tililing’ (9)

TALES FROM THE OTHER SIDE - Pang-masa

NAKATUTOK sa laot ang binoculars o larga-bista ni Antonya. Ang amigang ito ni Miranda the smuggling queen ang magre-report ng progress ng operasyon kay Miranda.

 Nasa di-kalayuan ang mga tauhan, nagbabantay din sa laot at tabing-dagat, nakahanda ang mga sandata.

 “Magandang gabi, Antonya.”

 Pamilyar ang tinig, takang nilingon ni Antonya.  Namutla itong parang kulay-papel. Kasunod ay pagkalakas-lakas na sigaw. “AAAAHH!”

Napatakbo sa kanya ang mga tauhan.

“Boss Antonya, bakit po?” Nanginginig si Antonya, pilit humahawak sa katinuan ng isip.

Nakabawi pa naman ito. “D-Dito lang kayo, kailangan kong humarap muna kay Miranda.”

Si Antonya mismo ang nag-drive ng sasakyan. BRUUMM.

Nagbalita agad kay Miranda. “Maniwala ka, Miranda, minulto ako ni Tililing! Muntik na akong mahimatay sa takot!”

Hindi natigatig ang smuggling queen, sakay si Antonya na sumugod sa tabing-dagat.

“Hindi ako kailanman natakot sa multu-multo, Antonya. Guniguni lang sila ng taong matatakutin – gaya mo!”

“Sumpa man, Miranda, tutoong may multo!”

“Kung totoo, bakit ikaw lang ang nakakita? Bakit hindi nakita ng mga tauhan natin?”

“Ewan ko, Miranda, ewan ko!”

SCRIIITTSS. Biglang preno nila sa lugar na pinanggalingan ni Antonya. “D-Dito ako mismo minulto!”

Bumaba sila ng sasakyan. May dalang heavy firearm si Miranda, hindi lisensiyado. Sa di-kalayuan, tuloy ang mga tauhan sa pagsenyas sa mga kapwa-smugglers – gamit ang malalakas na flashlights.

“Nasaan na ang sinasabi mong multo ni Tililing, Antonya?” 

(ITUTULOY)

vuukle comment

ANTONYA

BAKIT

BIGLANG

BOSS ANTONYA

BUMABA

D-DITO

MIRANDA

SI ANTONYA

TILILING

  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with