^

Para Malibang

Ang mag-asawa nagtutulungan, hindi naggugulangan

IDAING MO KAY VANEZZA - Pang-masa

Dear Vanezza,

Itago mo na lang ako sa pangalang Naomi, may asawa at dalawang anak. Ang problema ko po ay ang aking mister. Pareho po kaming nagtatrabaho sa abroad pero hindi kami makaipon. Ang ikinasasama ng loob ko ay ikinagagalit niya ang pagpapadala ko ng financial support sa aking mga magulang, gayon sila naman ang nag-aalaga sa aking mga anak. Samantalang siya, kalahati ng kita niya ay napupunta sa mga magulang niya. Mahilig din siyang mamili ng mga pansariling gamit kapag may pera siya. Ano po kaya ang dapat kong gawin?

Dear Naomi,

Ipaunawa mo sa iyong asawa na magulang mo ang tumatayo bilang magulang sa inyong mga anak at kung wala kang ipinapadala paano niya matutustusan ang mga pangangailangan ng mga bata? Pero kung tutol pa rin siya, mabuti pa’y ilipat mo na lang sa poder ng iyong mga biyenan ang pag-aaruga sa inyong mga anak. Tutal sila ang binibigyan ng kalahati ng kinikita ng iyong asawa. Ang mag-asawa ay dapat nagtutulungan at hindi naggugulangan.

Sumasaiyo,

Vanezza

ANO

DEAR NAOMI

DEAR VANEZZA

IPAUNAWA

ITAGO

MAHILIG

PAREHO

PERO

SAMANTALANG

  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with