Paano kontakin ang guardian angel?
1--Tatlong beses mong tawagin ang kanilang pangalan. Pumikit ka. Tawagan mo siya nang mataimtim, may kasamang pagmamahal.
2--Patahimikin mo ang iyong kalooban. Kailangan ang ganap na katamikan upang magkaroon ka ng “clear reception”.
3--Hintayin mo ang kanyang pagsagot sa iyong panawagan sa pamamagitan ng iyong pakiramdam o gut feeling. Hindi siya nagpapakita as in lilitaw siya bilang isang puting liwanag. Pampelikula lamang iyon. Puso ang iyong gagamitin at hindi mata.
4--Kahit hindi pa kayo nagkakakontakan, ay bigyan mo na siya ng “reward”. Pagmamahal mula sa tao ang gustung-gusto nilang “reward”. Nagpaparikit lalo ito ng kanyang liwanag o radiation, magpapaunlad ng kanyang aura at kakanyahan bilang anghel.
5--Gustung-gusto ng mga anghel na pumunta sa lugar na pulos positive energy lang matatagpuan. Sweet music, mababangong bulaklak sa iyong paligid, at malinis na paligid.
6--Palatandaan ng presensiya ng anghel: Gumagaan ang feeling mo; at may mainit na haplos sa iyong puso.
7--Kausapin mo siya. Magtanong ka. Isa munang tanong. Oras o araw ang ipaghihintay mo bago niya sagutin ito. Magpasalamat, saka magpaalam. Hindi lahat ng first attempt ay nagtatagumpay. Magtiyaga ka lang.
Ang kwentong the ghost of ‘padre tililing’ AY HINDI MASUSUBAYBAYAN SA ARAW NA ITO, DAHIL SA ILANG PROBLEMANG TECHNICAL
- Latest