^

Para Malibang

Hindi mapatawad ang misis

IDAING MO KAY VANEZZA - Pang-masa

Dear Vanezza,

Isa akong dating OFW. Masaya at masagana ang pamumuhay namin noong pabalik-balik ako sa abroad. Bukod sa mga kamag-anak ko na aking natutulungan, may sarili ka­ming bahay at sunod sa luho ang aking mag-ina. Nabago ang lahat nang makarating sa akin ang panlalalaki ng misis ko. Biglaan akong umuwi at napatunayan ang lahat nang sinundan ko sila sa motel na tinuluyan nila. Doon ay huli ko sila sa akto kaya hindi na ako nakapagpigil at nasuntok ko ang kalaguyo ng aking asawa na nagtatakbo sa takot. Hiwalay na kami ngayon ng misis ko at nasa akin ang aming dalawang anak. Sila ngayon ang pinaglalaanan ko ng aking mga pagsisikap. Sa kabila nito ay hindi ko pa rin kayang patawarin ang kataksilan ng misis ko. - Treb

Dear Treb,

Matuto ka ng magpatawad para matamo ang kapayapaan ng iyong isip at damdamin. Mahina sa tukso ang naging asawa mo at nadagdagan pa ng pangyayari na malayo ka sa kanya. Ipaubaya mo na lang sa Diyos ang mapait mong karanasan at harapin ang panibagong kabanata ng iyong buhay kapiling ang iyong mga anak.

Sumasaiyo,

Vanezza

vuukle comment

BIGLAAN

BUKOD

DEAR TREB

DEAR VANEZZA

DIYOS

HIWALAY

IPAUBAYA

ISA

MAHINA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with