Sanhi ng pagkabaog
Kayo ba ay matagal ng mag-asawa pero hindi pa nagkakaanak kahit kayo ay regular na nagtatalik at hindi gumagamit ng kahit anong contraceptives? Maaaring kayo ay may sintomas ng infertility o pagkabaog.
Sintomas ng infertility o pagkabaog ng mga kababaihan
Sa mga kababaihan, ang pagbabago sa menstrual cycle at ovulation ay maaaring sintomas ng sakit na sanhi ng infertility o pagkabaog. Ang mga sintomas na ito ay katulad ng:
• Abnormal na regla. Kapag mas marami o mas konti kaysa sa normal na regla.
• Iregular ang regla. Kapag ang regla ay paiba-iba ng petsa bawat buwan.
• Hindi nagkakaregla. Hindi nagkakaroon o huminto ang regla.
• Nakakaranas ng mga pananakit sa panahon ng regla katulad ng pananakit ng likod, pelvic, at pulikat.
Minsan ang pagkabaog ng mga kababaihan ay sanhi ng problema sa hormone. Ang mga sintomas nito ay katulad ng:
• Mga pagbabago sa balat kagaya ng tagihawat
• Pagkawala ng gana sa pakikipagtalik
• Paglago ng buhok sa labi, dibdib at baba
• Pagkawala o pagkakalbo ng buhok
• Pagtaas ng timbang
Iba pang sintomas katulad ng:
• Malagatas na discharges sa nipples na walang kaugnayan sa pagpapasuso
• Kirot habang nakikipagtalik
- Latest