Pagdadasal at pagsisindi ng kandila
Tuwing magdarasal ay mainam na magsindi ng kandila. Bago magdasal ng anuman, ito muna ang inyong uusalin sa sarili araw-araw:
“Dahil ang Diyos ay nasa aking puso, ako’y hindi mabibigo. Dahil ako’y tinutulungan ng Diyos, magtatagumpay ako sa lahat ng aking gagawin. Dahil sa aking pananampalataya sa Diyos, ako’y hindi maghihirap magpakailanman.”
Narito ang iba’t ibang kulay ng kandila na dapat gamitin depende sa tema ng inyong panalangin:
1. Itim—tungkol sa bisyong nais maalis
2. Pula—kung nais matigil ang pisikal na pananakit sa iyo
3. Orange—pang-aabusong seksuwal
4. Dilaw—tungkol sa damdamin
5. Berde—trabaho o salapi
6. Pink—pag-ibig
7. Blue—tungkol sa katapatan
8. Indigo—para lumawak ang iyong pang-unawa
9. White—kung ipinagdadasal ang kaluluwang namayapa na
Tapusin ang iyong pagdadasal sa pamamagitan ng pag-usal ng “Blessed be”. Ibig sabihin ay nananalig ka na ipagkakaloob ng Diyos ang iyong hinihiling at hudyat na nagpapaalam ka na sa Kanya pansamantala. Saka patayin ang sindi ng kandila.
- Latest